92 na pagyanig sa Bulkang Taal, naitala sa nakalipas na 24 oras

66

Umabot sa 92 na pagyanig ang naitala sa Bulkang Taal sa loob ng 24 na oras ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Mayroon namang 10 naitalang low frequency volcanic earthquake at 82 volcanic tremors.


Samantala, naglabas din ang bulkan ng halos tatlong libo na toneladang high sulfur dioxide.

Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal kung saan posible pa ring maganap ang pagsabog.

Facebook Comments