92% ng mga balota, naipamahagi na ng Philippine Consulate sa New York sa Filipino community doon

39

Kinumpirma ng Philippine Consulate General sa New York na 92 percent ng mga balota ang naipamahagi nila sa registered overseas voters sa Filipino Community sa United States Northeast.

Ito ay bagama’t kahalati sa kanilang mga tauhan ang naka-isolate matapos ma-infect ng COVID-19, habang ang iba ay na-expose sa mga nagpositibo.

Ayon sa Philippine Consulate, sinisikap pa rin nilang matapos agad ang distribusyon ng mga balota kahit na may mga bago na naman silang kasamahan na nagpopositibo na rin sa COVID-19.


Magugunitang naantala ang pagsisimula ng pamamahagi ng konsulada ng mga balota matapos na delayed ang pagdating sa kanila ng election materials.

Facebook Comments