93% empleyado ng Commission on Higher Education, nabakunahan na!

40

Naabot na ng Commission on Higher Education (CHED) ang herd immunity matapos mabakunahan ang 93% ng kanilang manggagawa laban sa COVID-19.

Sa isang pahayag, sinabi ni CHED chairperson Prospero De Vera III na sa kabuuang 1,280 empleyado ay nasa 1,198 na ang nabakunahan.


Sa tulong ito ng pagbabakuna ng national government at mga Local Government Units (LGUs).

Ang mga opisina ng CHED na mayroong pinakamataas na vaccination rates ay ang; CHED Regional Office 1 na may 100%; CHED MIMAROPA na may 100%; CHED-Cordillera Administrative Region na may 98%; CHED Central Office na may 96%; CHED Regional Office III na may 96%; at CHED Regional Office 7 na may 96%.

Malaki naman ang naging pasasalamat ni De Vera sa Inter-Agency Task Force (IATF) maging sa Department of Health (DOH) para maging organisado, mabilis at maayos ang programang pagbabakuna sa komisyon.

Facebook Comments