Umabot sa 97. 4 kilo ng basura ang nakolekta sa isinagawang SCUBASURERO Dive Clean-Up sa Hundred Islands National Park nitong Abril 22, 2025.
Ang hakbang na ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng Earth Day 2025. Ang mga basura ay nakuha mula sa ilalim ng dagat.
Kabilang sa mga nakuha ay mga plastik na bote, balot, sirang lambat, pisi, lata, bote ng alak o softdrinks, rubber, styrofoam at Iba’t ibang uri ng household waste.
Layunin ng aktibidad na hindi lamang linisin ang karagatan kundi itaas din ang kamalayan ukol sa panganib ng marine pollution sa kalikasan at kabuhayan.
Ang HINP ay Isa sa mga dinayo sa probinsiya nitong Semana Santa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments