99 Barangay sa Maynila na bigong i-mentina ang clearing operations na utos ng DILG, iisyuhan ngayong araw ng show cause order ng DILG

1290

99 na barangay sa Maynila ang iisyuhan ngayong araw ng show cause order ng DILG matapos hindi namentina ang kalinisan sa mga kalsada at bangketa.

Sa pulong balitaaan sa DILG Central office, sinabi ni Interior Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño.


Batay sa kanilang isinagawang validation sa lungsod ng Maynila, lumilitaw na may pinakamaraming  bagsak na barangay ay ang District 1 na mayroong 38 barangay, sumunod ang District 4 na may 22 barangay at District 3 na may 16 barangay.

Sabi pa ni Diño kapag natanggap na ang show cause order, may limang araw ang mga barangay na magpaliwanag.

Kapag hindi kuntento ang DILG sa magiging paliwanag, gagawa sila ng kaukulang hakbang.

Pero bilang pagrespeto kay Mayor Isko Moreno, irerekomenda muna nila sa City Council ang kanilang aksyon.

Pero kung wala pa ring pagsunod dito, maghahain na siya ng asunto sa Ombudsman.

Facebook Comments

From Advertisers