A-ATTEND | Secretary Harry Roque, dadalo parin sa cabinet meeting kahit naka leave

146

Manila, Philippines – Kahit naka leave of absence ay dadalo parin si Presidential Spokesman Secretary Harry Roque sa isasagawang cabinet meeting ngayong araw sa Malacañang.

Ito ang kinumpirma ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go sa media kaninang umaga.

Hanggang ngayon naman ay wala pang buong dahilan na inilalahad si Roque kung ano ang tunay na dahilan ng kanyang leave of absence at ang tanging dahilan na kanyang ibinigay ay mayroon itong personal na lakad sa labas ng bansa pero hindi naman niya sinabi kung hanggang saan at hanggang kalian.

Matatandaan na sinabi ni Roque na pagiisipan niya kung ipagpapatuloy pa niya ang kanyang trabaho bilang tagapagsalita ng pangulo matapos ang issue ng kalusugan ng pangulo kung saan sinabi ni Roque na bilang tagapagsalita ng pangulo ay kailangang nagtitiwala sa kanya ang publiko pero dahil aniya sa insidente ay posibleng hindi na maniwala sa kanya ang mamamayan.

Facebook Comments