Aabot sa 19 katao patay habang 34 sugatan matapos sumabog ang isang pabrika sa India

100

Aabot sa 19 katao ang nasawi habang 34 ang nasugatan matapos sumabog ang isang pabrika sa India.

Ayon kay R Kannan, lokal na opisyal ng lugar, nangyari ang pagsabog sa Virudhunagar district na itinuturing na pinakamalalang insidente ng pagsabog sa Southern State ng Tamil Nadu.


Posible pa aniyang madagdagan ang bilang ng mga nasawi dahil nagpapatuloy ang rescue operation ng mga otoridad, kung saan tinatayang nasa 74 katao ang nasa lugar nang mangyari ang pagsabog.

Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang sanhi ng pagsabog.

Facebook Comments