Aabot sa 200,000 national IDs, inilabas na ng PSA

42

Aabot na sa 200,000 national ID’s ang inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) PhilSys.

Ayon kay PSA Deputy National Statistician Rosalinda Bautista, sa ngayon ay umabot sa kabuuang 35 na milyong Pilipino ang nakakumpleto ng Step 1 ng registration process sa PhilSys website.


Samantala, 12 milyon naman ang nakakumpleto ng Step-2 o koleksyon ng biometric information.

Ang Step 3 naman ang magiging house-to-house delivery ng ID card na may unique PhilSys number (PSN).

Nagpaalala naman si Bautista na huwag i-post ang national ID sa kanilang mga social media.

Facebook Comments