AALAMIN | Crackdown laban sa manufacturers ng pekeng sigarilyo, ipinag-utos na ng DOF

27

Manila, Philippines – Inatasan na ng Department of Finance (DOF) ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) na magasagawa ng crackdown laban sa mga manufacturer ng mga pekeng tobacco products.

Ito ay kasunod ng pagkakasabat ng higit kahon-kahong ng pekeng sigarilyo at cigarette making-machines sa mga ikinasang raid ng BIR sa Malabon, Manila, Bulacan at Cagayan de Oro.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, inatasan na niya sina Customs Commissioner Isidro Lapeña at Internal Revenue Commissioner Caesar Dulay na imbestigahan ito.

Dapat aniyang malaman kung saan nanggaling ang mga makina at kung sino ang mga nasa likod nito.

Facebook Comments