AATRAS | Acting CJ Carpio, tuluyan nang aatras sa pagka-punong mahistrado

61

Manila, Philippines – Tuluyan nang aatras sa pagka-punong mahistrado si Acting Chief Justice Antonio Carpio.

Ayon kay Carpio, pormal na siyang mag aabiso sa Judicial and Bar Council na kanyang pag-decline bilang isa sa mga nominado sa chief justice post.

Kabilang kasi si Carpio sa limang most Senior Associate Justices ng Korte Suprema na otomatikong nominado sa pagka-punong mahistrado.

Bukod kay Carpio , kabilang sa most Senior Justices ng Supreme Court sina Associate Justices Teresita De Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, at Mariano Del Castillo.

Sa Huwebes ang deadline ng pagsusumite ng written acceptance ng nominasyon para sa magiging kapalit ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa July 26, Huwebes din ang deadline ng pag-file at pagkumpleto ng requirements ng mga aplikante.

Facebook Comments