AAYUSIN | Lokal na pamahalaan ng Parañaque, magtatayo ng permanenteng lugar para sa mga sidewalk vendors na naka-pwesto sa paligid ng Baclaran Church

32

Parañaque City – Plano na ng lokal na pamahalaan ng Parañaque na magtayo ng permanenteng lugar para sa mga sidewalk vendors na nakapwesto sa paligid ng Baclaran Church.

Ayon kay Mayor Edwin Olivarez, habang hindi pa sinisimulan ang konstruksyon, maglalatag sila ng mga tent para doon ilipat ng pansamantala ang nasa 1,500 vendors.

Sa ilalim ng bagong itatayong facility, mabibigyan ng easy access ang mga pasahero sa itatayong LRT line 1 Cavite extension project mula Baclaran patungong Bacoor, Cavite.

Facebook Comments