AAYUSIN | MRT-3 management, magsasagawa ng maintenance sa Holy Week

25

Manila, Philippines – Tiniyak ng Metro Rail Transit-3 Management na madaragdagan na ang operational na tren pagkatapos ng gagawin nilang maintenance sa panahon ng Holy Week.

Ayon kay Aly Narvaez, spokesperson ng MRT3 Management, sa kasalukuyan ay mayroon silang 73 na Light Rail vehicles.

Tatlumpu ang nasa maayos na kondisyon o operational habang ang nalalabing 43 na nakatengga sa depot ay sumasailalim sa preventive maintenance o kaya naman ay mangangailangan ng repair o kaya ay general overhaul.

Bawat tren ay nakapagsasakay ng 1,182 na pasahero at kung susundin ang orihinal na design capacity, 20 trains dapat ang tumatakbo sa bilis na 60 kph bawat 3-minuto.

Facebook Comments