Abandonadong mga Tabla ng G-melina sa Ramon Isabela, Natagpuan!

Ramon, Isabela – Natagpuan kahapon ng gabi ng mga otoridad ang abandonadong mga tabla ng G-melina sa Purok 4, San Miguel, Ramon, Isabela.

Sa ibinahaging impormasyon ng PNP Ramon, itinawag umano ng isang concerned citizen ang pitong piraso ng tabla na pag-aari ng hindi pa matukoy na mga suspek.

Nagresponde naman ang mga pulis ng Ramon at natagpuan ang mga kahoy sa lugar kung saan ay kaagad na dinala sa himpilan ng pulisya.


Hanggang sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP Ramon sa maaring may-ari ng mga kahoy.

Facebook Comments