ABAP President Ricky Vargas, bagong pinuno ng POC

Sports – Tuluyan nang natuldukan ang 13 taong pamumuno ni Jose “Peping” Cojuangco bilang presidente ng Philippine Olympic Committee (POC).

Ito ay matapos na manalo sa eleksyon si Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) President Ricky Vargas sa botong 24-15.

Matatandaang naging kontrobersyal si Cojuangco dahil sa matagal niyang pamamahala sa POC bagay na iprinotesta na rin ng ilang sports leaders at mga atleta sa bansa.


Samantala, tagumpay din namang nakuha ni Cycling Chief at Tagaytay City Rep Bambol Tolentino ang chairmanship ng komite matapos talunin sa botohan si Ting Ledesma.

Facebook Comments