ABL | Alab Pilipinas, target na makuha ang panalo kontra Thailand Mono Vampire

Laguna – Sisikapin ngayon ng Alab Pilipinas na makuha ang ikadalawang sunod na panalo kontra Thailand Mono Vampire sa finals ng ASEAN Basketball League.

Target ng kanilang game plan na bantayan ng husto ang 7-Foot-5 ng Mono Vampire na si Sam Deguara na unang nagka-foul trouble sa game 1 kaya sila nagkaroon ng tsansa na manalo sa overtime game sa score na 143-130.

Sasandal pa din si Coach Jimmy sa dalawang import nito na sina Justine Brownlee at Renaldo Balkman na malaki ang nai-ambag sa nakaraang laro.


Mapapanood ang nasabing laban mamayang alas-8:00 ng gabi sa Sta. Rosa Multi-Purpose Sports Complex sa Sta. Rosa, Laguna.

Facebook Comments