Abogado ni  Dr. Bryan Sy,humirit sa DOJ at NBI na palayain ang Wellmed co-owner

Sumulat kay Justice sec Menardo Guevarra at NBI Director Dante Gierran ang abogado ni  WellMed co-owner Dr. Bryan Sy.

Ito ay para hilingin ang agarang pagpapalaya sa kanilang kliyente.

Sa liham ng abogado ni Sy, kinuwestiyon nila ang patuloy na pagdetain sa kanilang kliyente nang wala naman anilang isinasampang reklamo laban dito.


Anila, tatlumput anim na oras nang nakakulong si Sy subalit walang ano mang kasong isinasampa sa proper judicial authorities.

Una na ring humirit ng petition for Issuance of Writ of Habeas Corpus ang kampo ni Sy sa Manila Regional Trial Court  Branch 20 subalit binasura ito ng Korte.

Facebook Comments