Abogado patay sa pamamaril sa Tagum City

200

Nasawi ang isang abogado makaraang barilin ng hindi pa nakikilalang armadong suspek sa harap ng isang mall kagabi.

 

Sa ulat ng Tagum City Police Office kinilala ang biktima na si Rex Jasper Lopoz, 41 anyos residente ng purok 9 barangay Nabunturan Davao De Oro at dating board member ng Davao De Oro na dating Compostella Valley.

 

 

Sa inisyak na imbestigasyon ng PNP papasok na umano ito ng sasakyan niya galing sa loob ng mall nang bigla itong matumba.

 

Akala nang kanyang driver inatake lamang ito sa puso, pero pagdating ospital nakita ang tama ng bala ng baril sa kanyang likod na tumagos hanggang dibdib.

 

Dead on arrival si Lopoz sa ospital.

 

wala pang  suspek ang mga awtoridad at patuloy pang inaalam ang motibo ng pamamaril.

Facebook Comments