Aarangkada ang On-the-Spot Hiring sa Urdaneta City kaugnay ng pagdiriwang ng ika-124 na Labor Day Job Fair sa darating na Mayo 1, 2026.
Sa pagtutulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Public Employment Service Office (PESO), inaasahang mas mapapadali ang paghahanap ng trabaho ng mga aplikante dahil magkakaroon ng on-the-spot validation at aplikasyon, kung saan maaari silang matanggap sa mismong araw ng job fair.
Layunin ng naturang programa na mabigyan ng pagkakataon ang mga aplikante na magkatrabaho mula sa iba’t ibang local at overseas job opportunities sa pamamagitan ng partisipasyon ng iba’t ibang employers.
Bukod dito, magkakaroon din ng mga insentibo para sa mga dadalo na magbibigay ng inatnt prizes para sa unang 150 aplikante habang kakaibang regalo naman para sa ika-124 na aplikante.
Ang inisyatibong ito ay naglalayong magbigay ng mas maraming oportunidad sa mga manggagawa, sa loob man o labas ng bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






