ABOT-KAYANG SERBISYONG PANGKALUSUGAN, HATID NG SUPER FAMILY HEALTH CENTER SA DAGUPAN CITY

Patuloy na napapakinabangan ng mga Dagupeño partikular ang mga nasa Eastern Barangay ng Dagupan City ang mga serbisyong pangkalusugan hatid ng itinayong Super Family Health Center.

Araw-araw itong bukas sa mga residente, maliban sa araw ng Sabado at Linggo.

Hatid ng naturang pasilidad ang libreng konsultasyon, Dental Check-up at Tooth Extraction, Animal Bite, ECG, Laboratory, Philhealth E-konsulta, maging ang pre-natal at Family Planning.

Inaasahan ang mas maraming pang proyekto at mas pinalawig pang serbisyo partikular sa pangkalusugang sektor ang maihahatid para sa mga Dagupenos. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments