Mapapakinabangan na ng mga residente sa bayan ng Gregorio Del Pilar ang bagong tayong Super Health Center.
Naisakatuparan ang naturang health project sa pagtutulungan ng Department of Health at lokal na pamahalaan ng bayan.
Hatid ng pasilidad ang konsultasyon, birthing, dental services, diagnostic tests, laboratory tulad ng XRay at iba pa, ultrasound, minor surgeries, at iba pa.
Malaking tulong ang health center sa mga residente lalo na at ang bayan ng Gregorio ay kabilang sa Geographically Isolated and Disadvantaged Area (GIDA) sa Ilocos Sur.
Mas pinabuti at abot kaya na ng mga komunidad ang nararapat na serbisyong pangkalusugan laan para sa mga ito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments