ABS-CBN, sisimulan na ang pag-lay off ng mga manggagawa sa katapusan ng Agosto

Uumpisahan na ng ABS-CBN Corporation ang paglilimita ng kanilang operasyon at pagbabawas ng kanilang manggagawa sa katapusan ng Agosto kasunod ng pagbasura sa kanilang franchise application.

Sa statement ng network, magsisimula ang kanilang retrenchment program sa August 31, 2020.

Pagtitiyak ng network na mabibigyan ng separation at retirement benefits, maging job placement programs ang mga apektadong manggagawa.


Bagama’t mahirap para sa kanila na gawin ito lalo na sa gitna ng epekto ng COVID-19 pandemic, ito lamang anila ang paraan para maipagpatuloy ang trabaho ng iba pa nilang manggagawa.

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa lahat ng manggagawa nito at ipinapaabot nila ang dasal para sa kanila at kanilang pamilya.

Facebook Comments