Abu Sayyaf Group, duwag ayon sa militar

75

Kaduwagan ang ginawang pagpapasabog ng Abu Sayyaf Group sa Jolo, Sulu kamakalawa na ikinasawi ng 16 na indibidwal.

Ito ang pahayag ni Philippine Army Chief Lieutenant General Cirilito Sobejana.


Aniya, hindi kaya ng Abu Sayyaf ang face-to-face o harapang sagupaan sa tropa ng gobyerno kaya dinadaan sa mga pagpapasabog sa pamamagitan ng mga suicide bomber.

Dagdag pa ng opisyal, patunay rin sa barbaric acts ng ASG na mahina na at desperado na ang kanilang grupo kaya kahit mga walang muwang na sibilyan ay nadadamay sa paghahasik ng terorismo.

Giit ni Sobejana, hindi nila kailanman kukunsitihin ang mga ganitong barbaric acts ng ASG.

Sa ngayon, puspusan ang combat operation at imbestigasyong ginagawa ng militar at pulisya para matukoy ang mga nasa likod ng magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu.




Facebook Comments