Abu Sayyaf Group, idineklarang persona non grata ng bayan ng Indanan sa lalawigan na Sulu

23

Ngayong araw, pormal na idedeklarang persona non grata ng mga taga-Indanan, Sulu sa pangunguna ng kanilang alkalde na si Mayor Hermot Jikiri ang Abu Sayyaf Group (ASG).

Ayon kay Joint Task Force Sulu Spokesperson Lt. Col. Ronaldo Mateo, alas -2:00 nang hapon mamaya gagawin ang seremonya ng pormal na padedeklara sa Abu Sayyaf na persona non grata sa munisipyo ng Indanan.

Bilang pagpapakita ng suporta, dadalo sa seremonya ang ibang local chief executive sa Sulu, mga opisyal ng Western Mindanao Command, JTF Sulu, Peace inclined group ng Moro National Liberation Front at iba pang mga stakeholder.

Matatandaang nitong nakaraang buwan ng Hulyo, una nang idineklarang persona non grata ng bayan ng Patikul, Sulu ang Abu Sayyaf Group.

Dahil dito, naniniwala ang JTF Sulu na darating ang araw, matatamo rin ang matagal nang hinahangad na pangmatagalang kapayapaan sa buong Sulu.

Facebook Comments