Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon, pinangangambahang nakatakas na

229

Marawi City – Posibleng nakatakas na mula sa Marawi City ang Abu Sayyaf leader at emir ng Isis sa Pilipinas na si Isnilon Hapilon.

Ayon kay Lt. Gen. Carlito Galvez, head ng AFP Western Mindanao Command – hindi na namamataan si Hapilon sa war zone.

Aniya, nakatanggap din sila ng ulat na nakapuslit na ang Asg leader pero kinukumpirma pa ito ng militar.


Sinasabing mitsa ng bakbakan sa Marawi City ang naging operasyon ng militar para arestuhin si hapilon noong May 23.

Facebook Comments