Abusadong pulis na nag-viral sa San Juan, sinibak

409

Ipinag-utos na ng Philippine National Police (PNP) na sibakin ang abusadong San Juan police na nahuli sa isang viral video.

Ang pulis ay kinilalang si Senior Master Sergeant Arnulfo Ardales.


Ayon kay PNP Chief, Police General Oscar Albayalde – ipinatanggal na niya sa pwesto ang nag-viral na pulis.

Inilagay muna si Ardales sa District Headquarter Service Unit ng Eastern Police District (EPD) para sa imbestigasyon.

Matatandaang kinompronta ng pulis ang 21-anyos na si Aaron Estrada dahil sa umano’y hindi nito paggalang sa kanya habang bumibili sa isang tindahan.

Pinagalitan, pinagsisigawan at pinagmumura si Estrada.

Facebook Comments

From Advertisers