
Sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano nitong Lunes, June 1 na hiwalay dapat ang accountability sa politika.
Kasunod yan ng kini-claim ni Senator Jinggoy Estrada na ilang beses umano siyang inalok na ibasura ang mga kasong graft at plunder kapalit ng pag-alis niya sa majority block sa Senado.
Ayon kay Clavano, walang makapagdidikta sa Office of the Ombudsman kung ano ang gagawin sa mga kasong nakabinbin pa dahil maaari umano itong ituring na isang uri ng korapsyon.
Giit pa ni Clavano, hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na matagal nang iniimbestigahan ang nasabing mga kaso laban sa nasabing senador.
Facebook Comments










