Acierto at 7 iba pa, pinaaaresto

1385

Pinaaaresto na ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 35 si dating Police Superintendent Eduardo Acierto at pitong iba pa kaugnay ng shabu smuggling.

Bukod kay Acierto, pinapaaresto rin ng korte si dating Customs Intelligence Officer Jimmy Guban at dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Deputy Director for Administration Ismael Fajardo.

Kasama rin sa asunto ang importers na sina Chan Yee Wah alias KC Chan at Zhou Quan alias Zhang Quan; ang mga consignee na sina Vedasto Cabral Baraquel Jr. at Maria Lagrimas Catipan ng Vecaba Trading at isang Emily Luquingan.

Nahaharap si Acierto at mga kapwa-akusado nito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isinampa ng Department of Justice (DOJ).

Wala namang piyansang inirekomenda si Manila RTC Judge Ma. Bernardita Santos kina Acierto at sa iba pa.

Facebook Comments