ACMs na gagamitin sa Pasig City, nai-deliver na sa mga polling precints

Nai-deliver na ang Automated Counting Machines (ACMs) sa 44 na polling centers sa lungsod ng Pasig.

Inaasahang boboto sa 44 na polling precincts ang nasa 463,885 ang kabuuang registered voters sa lungsod ng Pasig na maghahalal sa 22 kandidato sa parehas na national at local positions sa darating na halalan sa Lunes.

Bilang parte pa rin ng paghahanda para sa darating na eleksyon, binisita ng mga kinatawan mula sa Commission on Elections (COMELEC) District 2, pamahalaang lungsod ng Pasig, at Department of the Interior and Local Government – Pasig field office ang ilan sa voting centers sa ilang paaralan sa District 2 para i-check ang kalagayan ng mga ito.

Inalam din ng COMELEC ang mga kailangan pang ihanda sa voting centers bilang pagtitiyak para sa maayos na halalan sa buong lungsod ng Pasig ngayon Lunes.

Facebook Comments