Acting DFA Secretary Manalo, itinanggi ang lumutang na twitter account

26

Manila, Philippines – Pinabulaanan ni Acting Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na sa kanya ang twitter account na EnriqueManaloPH,

 

Sa naturang twitter account nakalagay ang larawan ni Manalo at nakalagay dito na "Acting Secretary of Foreign Affairs of the Republic of the Philippines."

 

Nakalagay din dito ang mga katagang "Official Twitter account", joined- March 2017.

 

Si Manalo ay umupo bilang Acting DFA matapos na tuluyang ma-reject ang ad interim appointment ni dating Foreign Affairs sec Perfecto Yasay Jr..

Facebook Comments