Acting governor ng Cebu, iginiit na hindi peke ang bigas mula sa Santa Fe Bantayan Island, na dahilan umano ng pagkakasakit ng ilang residente

282

Cebu, City Philippines – Iginiit ni Cebu Acting Governor Agnes Magpale na hindi peke ang mga bigas na una nang ini-report na fake rice sa bayan ng Sante Fe sa Bantayan Island, matapos nagreklamo sa pananakit ng tiyan at diarrhea ang ilang na residente matapos kumain sa umanoy fake rice.

Ang nakuhang sample ng mga bigas mula sa Sante Fe, dumating sa kapitolyo at ipinakita ng acting governor.

Dahil dito, gusto ni Acting Governor Magpale na mainspeksyon ang mga water wells sa nasabing lungsod na siyang pinagkunan ng tubig ng mga residente.


Sa ngayon ang sample sa umanoy fake rice mula sa Santa Fe ay naipadala ng kapitolyo sa Department of Agriculture para sa laboratory examination.

Facebook Comments