Nanumpa na bilang Acting Regional Director ng Police Regional Office 1 si PBGEN Dindo Reyes sa naganap na Turnover of Command Ceremony sa San Fernando City, La Union noong Sabado.
Sa kanyang talumpati, inilahad ng opisyal ang kanyang magiging program thrust tulad ng full digitalization sa operasyon ng mga kapulisan, automated case tracking, pinaigting na operasyon kontra kriminalidad, pagsugpo sa supply chain at protector ng illegal na droga, mabilis na pagresponde sa mga insidente at pagdidisiplina maging sa mga personnel.
Tiniyak ni Reyes ang nararapat na serbisyo para sa buong rehiyon na hometown region ni Presidente Marcos Jr.
Pinalitan ni Reyes sa pwesto si PBGEN Lou Evangelista na nanungkulan sa loob ng isang taon at anim na buwan upang mapanatili ang peace and order sa rehiyon at pagpapalakas ng kakayahan ng kabataan sa pagtatatag ng Police Community Academy.
Nanungkulan naman bilang Director ng PNP Retirement and Benefits Administration Service si Reyes bago ang kanyang designasyon bilang Regional Director ng PRO1. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣