Active at confirmed COVID-19 cases sa lungsod ng Muntinlupa, muling nadagdagan

27

Muling nakapagtala ang local health department ng lungsod ng Muntinlupa ng mga bagong tinaman ng sakit ng COVID-19 ngayong araw.

Batay sa kanilang tala, 35 ang bagong confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod, dahilan para tumaas ito sa 5,721.


Tumaas din sa 126 ang bilang ng active cases sa lungsod matapos itong madagdagan ng 26.

Dahil dito, papaigtingin ng pamahalaang lungsod ang pagpapatupad ng kanilang contact tracing app na StaySafe app sa mga establisyimento ng lunsod.

Noong February 26, 69 na mga establisyemento ang naisyuhan ng warning ng Muntinlupa Business Permits and Licensing Office.

Layunin ng nasabing app na mapabilis ang contact tracing ng lungsod upang mabilis din na mapigilan ang pagkalat ng virus.



Facebook Comments