Active cases ng COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong, muling nabawasan

49

Bumababa pa sa 91 ang kabuuang bilang ng active cases ng COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong.

Ito’y matapos gumaling ang 13 pasyente sa naturang sakit.

Dahil dito, umakyat naman ang kabuoang bilang ng recoveries sa lungsod sa 5,355.


May tatlong barangay ang lungsod na may 10 o higit pa ang mga active case, nangunguna rito ang Barangay Hulo na may 15 at sinundan ito ng Barangay Ilaya at Highway Hills na may tig-10.

Nananatili naman sa 165 ang bilang ng mga nasawi sa lungsod na dulot ng nasabing sakit.

Umabot naman na ng 5,611 ang pinagsama-samang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 simula noong unang araw na nagkaroon ng unang kaso nito ang lungsod hanggang sa kasalukuyan.



Facebook Comments