Active cases ng COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong, nasa 652 na

21

Umabot na ng 652 ang kabuuang bilang ngayong umaga ng active cases ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Mandaluyong.

Ito’y matapos makapagtalang muli ang City Health Department ng lungsod ng 53 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 kagabi.

Mayroon ding 76 na mga pasyente ng COVID-19 ang lungsod na gumaling sa sakit na naitala kagabi, kaya naman umakyat na ito sa 3,409.

Tatlong pasyente naman ang nadagdag sa mga masawi na umakyat na sa 139.

Mataas pa rin ang bilang ng suspected cases sa lungsod na umabot sa 1,490, habang nasa 26 lang ang probable cases.

Sa ngayon, ang kabuuang bilang ng kompirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ay umabot na ng 4,200.

Facebook Comments