Active cases ng COVID-19 sa PNP, umabot na sa mahigit 3,000

48

Nasa 3,278 na aktibong kaso ng COVID-19 ang naitala ngayong araw sa Philippine National Police (PNP) sa gitna ng banta ng Omicron at Delta variant.

Sa datos ng PNP Health Service, nakapagtala ng 310 new cases at 483 new recoveries ng naturang sakit.

Sa kabuuan, umabot na sa 47,024 ang mga tinamaan ng virus habang 43,620 naman ang mga gumaling.


Wala namang naitalang nasawi sa COVID-19 ngayong araw kaya nananatili sa 126 ang mga namatay sa sakit.

Facebook Comments