ACTIVE CASES NG COVID-19 SA TUGUEGARAO CITY, BUMABA NA

20

Cauayan City, Isabela- Bahagyang bumaba ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Tuguegarao City.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng City Health Information Office, bumaba na lamang sa 754 ang active cases ng Tuguegarao City kabilang na ang 42 na panibagong kaso na may dalawang (2) re-exposure.


Mayroon namang 71 na nakarekober mula sa sakit na nagdadala sa kabuuang bilang na 11,411.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 12,530 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Lungsod kung saan nasa 365 na ang namatay.

Kaugnay nito, mariin pa rin pinapaalalahanan ang mga residente na sumunod sa ipinatutupad na minimum health standards upang makatulong sa pag-iwas sa community transmission.

Samantala, hinihikayat din ng lokal na pamahalaan ang mamamayan na magparehistro at magpabakuna kontra sa COVID-19 pagdating ng tamang schedule para sa mga grupong kinabibilangan.



Facebook Comments