Active COVID-19 cases sa hanay ng PCG, mahigit 100 na lang

Bumaba na lamang sa 146 ang active COVID-19 cases sa hanay ng frontline personnel ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ito ay matapos na umabot na sa 1,321 na tauhan ng Coast Guard ang naka-recover sa nasabing sakit.

Tiniyak naman ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) na masusi nilang mino-monitor ang kalagayan ng mga tauhan nilang patuloy pang nakikipaglaban sa COVID-19.


Agad din na pinu-pullout sa kanilang assignments ang Coast Guard frontliners na nagpopositibo sa virus.

Facebook Comments