Active COVID-19 cases sa Muntinlupa City, nadagdagan pa ng 30 ngayong umaga

17

Tumaas pa sa 773 ang kabuuang bilang ng active cases ng COVID-19 sa lungsod ng Muntinlupa matapos itong madagdagan ng 30 kagabi.

Ito’y kahit pa nadagdagan ng 86 na bagong ng recoveries sa lungsod kung saan nasa 2,208 ang kabuuang bilang nito.

Nagkaroon din ng tatlong COVID-19 patients ang nasawi kahapon dahilan para tumaas din ang bilang nito sa 114.

Meron ding 59 na bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod, kaya naman umakyat din ang kabuuang bilang nito sa 3,065 ngayong araw.

Nasa 597 ang suspected cases at 691 naman ang probable cases ng COVID-19 sa lungsod.

Ang nasabing bilang ay naitala ng Local Health Department ng Muntinlupa sa nakalipas ba 24 oras.

Facebook Comments