ACTO, nagbantang magkakasa ng malawakang tigil-pasada

Umapela ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) na ihinto ang kanilang transport strike na ikakasa ngayong araw.

Ito ay bilang protesta sa PUV Modernization Program.

Paglilinaw ni ACTO President Efren De Luna – na protesta ang kanilang gagawin at hindi tigil-pasada.


Magma-martsa sila galing Quezon City Memorial Circle patungong LTFRB Office.

Kapag ipinursige ng LTFRB ang modernnization program, mapipilitan silang magkasa ng malawakang tigil-pasada.

Facebook Comments