Actor at TV Host na si KC Montero, arestado dahil sa paglabag sa social distancing

Arestado ang TV Host-Actor na si KC Montero at ang kanyang misis matapos silang mapabilang sa 121 katao, kasama ang mga dayuhan na dinakip sa isang high-rise restobar sa Makati City kahapon, June 28, 2020.

Paglabag sa Republic Act 11332 o paglabag sa pinaiiral na social distancing dahil sa COVID-19 ang kasong isinampa laban sa kanila.

Ayon kay Makati City Police Chief Colonel Oscar Jacildo, nakatanggap siya ng mga sumbong na may malaking pagtitipon sa ikalabing-walong palapag ng Skye Restobar ng isang condominium building sa Salcedo Village, Barangay Bel-Air, Makati City.


Hindi rin aniya sumusunod ang mga bisita sa ipinatutupad na quarantine restrictions kaya pinuntuhan nila ito ng kaniyang mga tauhan.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang may-ari at kinatawan ng restobar, ngunit iginiit nilang wala silang ginawang paglabag at sumusunod sila sa pagbabawas ng mga customer na pwedeng papasukin.

Facebook Comments