ADAR ng COVID-19 sa NCR, bumaba ayon sa OCTA

40

Bumaba sa 5.98% ang COVID-19 average daily attack rate (ADAR) sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, bumaba sa 862 ang naitalang bilang ng COVID-19 sa NCR kahapon, mula sa 1,062 noong Agosto 22.

Dagdag pa ni David, mababa rin ang bilang reproduction number ng sakit na nasa 0.95 lamang noong Agosto 26, mula sa 0.99 noong Agosto 22 habang nasa 12.7% na lang ang positivity rate, mula 14.6%.


Samantala, nanatili ring mababa ang occupancy rate sa mga Intensive Care Unit sa Metro Manila, na nasa 25.8%.

Facebook Comments