Adik na pedicab driver, dinukot ng kalalakihang naka motorsiklo pinagbabaril patay sa Navotas

42

Manila, Philippines – Patay ang 29-anyos na pedicab driver matapos pagbabarilin ng naka-motorsiklong kalalakihan sa Raja Kalantiyaw Street Brgy. Daang Hari lungsod ng Navotas.

Tama sa ulo at katawan ang tinamo ng biktimang si Jayson Descartin residente ng Brgy. San Roque.

Bago ang pagpatay dinukot si Descartin ng tatlong armadong lalaki na sakay ng motorsiklo malapit sa kanilang bahay pasado alas diyes ng gabi kagabi.

Batay sa record ng Navotas PNP, nasa drug watch list si Descartin na sumuko na rin sa oplang tokhang at inaalam ngayon ng mga otoridad kung may kinalaman dito ang pagpatay sa biktima.

Facebook Comments