
Hinikayat ni Bataan Rep. Geraldine Roman ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibalik ang Pilipinas sa ilalim ng International Criminal Court (ICC).
Sabi ni Roman, paraan ito para ipakita natin sa buong mundo na ang ating bansa ay gumagalang sa ating mga batas at sa mga international law.
Panawagan ito ni Roman matapos arestuhin si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa bisa ng warrant na inilabas ng ICC para sa kasong crimes against humanity kaugnay sa libu-libong namatay sa panahon ng war on drugs.
Diin pa ni Roman, ang muling pag-anib ng Pilipinas sa ICC ay alinsunod sa hangarin ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itaguyod ang rule of law.
Magugunita na noong Marso 17, 2018 ay pormal na inabisuhan ni dating Pangulong Duterte ang United Nations Secretary General ng pagkalas ng Pilipinas sa ICC.