Administrative disciplinary action laban sa mga sangkot sa “pastillas scheme”, ipapatupad ng DOJ

34

Tiniyak ni Justice Sec. Menardo Guevarra na magpapatupad siya ng administrative disciplinary action laban sa mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na sangkot sa “pastillas scheme”.

Ito aniya ay sa sandaling matapos na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon hinggil sa nasabing eskandalo.

Kinumpirma rin ni Sec. Guevarra na ni-reshuffle na ang mga immigration officers sa airport.

Una nang inihayag ni Immigration Commissioner Jaime Morente na pinaghahandaan nila ang posibleng suspensyon o sibakan sa kanilang hanay lalo na ang mga nakatalaga sa mga paliparan.

Sa harap ito ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa ilang opisyal ng BI na sangkot sa “pastillas” scandal.

Facebook Comments