Admission fee sa Bar exam, tinaasan ng Korte Suprema

Mula ₱3,750 ay itinaas na ng Supreme Court (SC) sa ₱5,000 ang admission fee sa Bar exam.

Sakop nito ang mga sasaillaim sa oath taking at roll signing ng mga pumasa sa 2022 Bar exam.

Ito ay base sa rekomendasyon ng Office of the Bar Confidant dahil na rin sa pagtaas sa operation costs.


Partikular ang bayarin sa venue ng oathtaking at roll signing ceremonies.

Gayundin ang iba pang logistical expenses tulad ng allowances ng personnel na nangangasiwa ng naturang mga seremonya.

Facebook Comments