
Ayon kay Fr. Bobby Yap, ang president ng Ateneo de Manila University (ADMU), pormal nang tinanggap ng unibersidad ang pagbibitiw ng dalawa.
Nangako ang ADMU na magsasagawa sila ng mahigpit na institutional review upang mapanatili ang integridad ng kanilang sports program.
Hindi naman sinagot ni Fr. Bobby kung mag-isa na lang na haharapin ni Coach Baldwin ang kaniyang kaso kasunod ng hindi nito pagsipot sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Kasabay nito, inanunsyo ni Fr. Bobby na bumuo na rin sila ng isang independent fact-finding body na kinabibilangan ng mga iginagalang na legal at technical experts mula sa labas ng unibersidad.
Aniya, ang magiging resulta ng gagawing imbestigasyon ay ipapasakamay sa Board of Trustees para sa kaukulang disposisyon.
Tiniyak naman ni Fr. Bobby na magkakaloob sila ng financial at material support sa pamilya nina Rene Baterbonia at Divine Alili.
Hindi aniya ito settlement kundi bahagi ng kanilang moral obligation.










