Adverse event sa mga menor de edad na nabakunahan ng COVID-19 vaccine, kakaunti lamang – DOH

Mahigit 800,000 na kabataang edad 12 hanggang 17 ang nabakunahan na laban sa COVID-19.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa nasabing bilang, 0.10% lamang sa mga ito ang nakaranas ng adverse reactions.

Sinabi rin ni Vergeire na naituturing nilang matagumpay ang pediatric vaccination sa bansa.


Muli namang hinikayat ni Vergeire ang mga magulang na pabakunahan na nila ang kanilang anak para magkaroon sila ng proteksyon laban sa virus.

Facebook Comments