Aegis Juris frat member John Paul Solano, hinatulang guilty sa kasong obstruction of justice kaugnay sa Horacio “Atio” Castillo case

825

Hinatulan ng guilty ng Manila RTC Branch 14 si Aegis Juris fratman John Paul Solano sa ksong obstruction of justice kaugnay ng pagkamatay sa hazing ni University of Santo Tomas (UST) freshman law student Horacio “Atio” Castillo III.

Kaugnay nito, pagkakakulong ng dalawang taon at apat na buwan hanggang apat na taon at dalawang buwan ang naging hatol ng korte kay Solano.


Inabsuwelto naman ni Judge Carolina Esguerra si Solano sa kasong perjury.

Si Solano ang unang tinawagan ng is Aegis Juris para i-revive si Atio.

Gayunman, nagsinungaling daw ito sa mga pulis nang sabihin na hindi niya kakilala si Atio at nagmagandang loob lamang siya na isugod ito sa ospital.

Si Atio Castillo ay napatay sa hazing rites noong September 2017.

Facebook Comments