Aerial vehicle, nakita habang nagsasagawa ng survey operations ang barko ng Philippine Navy sa Benham Rise

77

Manila, Philippines – Isang hindi matukoy na aerial vehicle ang nakita habang nagsasagawa ng survey operations ang barko ng Philippine Navy na BRP Ramon Alcaraz sa Benham Rise.

 

Ayon kay BRP ramon Alcaraz Commanding Officer Cdr. Jeff Rene Nadugo, hindi pa nila matukoy kung anong uri ito ng aircraft.

 

Kasabay nito, kinuwestiyon din nito ang isa pang hindi matukoy na barko na kanilang naispatan sa Benham Rise habang nagsasagawa sila ng pagpapatrolya.

 

Sinabi naman ni BRP Ramon Alcaraz Operations Officer Cdr. Cyrus Mendoza, patuloy ang isinasagawa nilang maritime patrol sa lugar.

 

Nabatid na ang Pilipinas lamang ang may sovereign rights sa 13-milyong ektarya ng Benham Rise base na rin sa desisyon ng United Nations Commission on the Limits of the Continental Shelf noong 2012.




Facebook Comments