AFF SUZUKI CUP | Azkals, may bago na namang coach

62

Kumuha muli ng bagong coach ang national football team Azkals bago sila sumabak sa AFF Suzuki Cup.

Mismong si Azklas team manager Dan Palami ang nagpakilala kay Sven-Goran Eriksson na dating manager ng football team ng England.

Pinalitan ni Eriksson si Scott Cooper na tumayo bilang interim head coach matapos ang pag-alis ni Terry Butcher.

Si Eriksson ang siyang naging mentor ng England makaraan silang makapasok sa FIFA World Cup noong 2002 at 2006.

Umaasa ang buong miyembro ng national team na magiging maganda ang ipapatupad na diskarte ng kanilang bagong coach.

Facebook Comments